#DalawSaDabaw (Ikatlong Araw)

Okay. Eto na po tayo ulet! HAHA. Nasa ibaba ang links ng mga naunang posts!

Eto na ngaa…. papunta na kami sa Mati! Nagvan lang kami from Tagum, hating gabi na kami dumating sa Mati. Haha! Tapos ang scary pa kasi walang ilaw tapos yung daanan ng tricycle, may bumagsak na puno. Sabi ni Mich, wala naman daw entrance sa Mati. So, G!

Pagdating namin, tinatanong namin sa Amihan sa Dahican kung magkano bayad magovernight. Sabi naman nila, wala daw! Wow! So, nagsabit lang kami ng hammock sa kubo kasi umuulan.

1-16
Hooray para sa free accommodation!

Malamig kung malamig, pero tiis tiis na lang since libre naman ‘to. Haha! Panalong panalo dito sa Mati! Ang gandaaaaaaaa!

1-17
Magandang Buhay!
1-18
Wala pa sa wisyo mga bagong gising!
1-19
May smoking area pa rin naman ang Dabaw!
1-20
At oo! May pawikan dito!

Pagkatapos magmunimuni sa tabi ng mapang-akit na dagat, nagpunta kami sa Subangan Museum.

1-1
1-2

Hindi ko alam kung anong meron sa kulay pink, pero ang cute niya. Haha. At parang first kong makapasok sa museum na chill lang.

1-4
Group pic sa pinakamalaking emerut! At nipreserve nila talaga to! Malaki at mahaba siya!
1-5
Techie ang Museum. Nandiyan sa tablet ang mga information tungkol sa mga animals!
1-6
Swabe!

1-7

1-8
May kulintang!!!

1-91-10

1-11
Napagod na kakalakad! HAHA!
1-12
Ewan ko!
1-15
Ayan! Umeksena na! HAHA!

Pagkatapos umappreciate ng Art, nagpunta kami ng bayan para kumain! HAHA! Ang daming hipster places dito bes. Pero hindi pa bukas ang iba. Hahaha.

1-28
Breakfast na beshies!
1-29
Masarap daw to. Masarap naman!
1-27
Mahal ko na ang Mati!

Tapos may nakita kaming murang barbershop, alam niyo ibig sabihin nun? Its undercut time! AHAHAHA!

1-26
40php lang po ang gupit!
1-21
Oh! Ang haba na oh! HAHAHA!
1-22
Nachallenge si Kuyang barbero dito sa kaartehan ni Mich!

1-24

1-25
Pati si One, nagpagupit! HAHA!
1-23
Ang Payapa!

Okay, pagkatapos magpagupit. Balik na tayo sa Dagat. Haha. Kailangan naman nating magpaitim pa lalo. At lumangoy sa alon!!

1-30
SOBRANG SOLID!

1-311-331-32

Sobrang solid dito Bes. Ang fine ng sand at ung kulay ng dagat. Iba! At sobrang bait ng mga tao. At nung kinagabihan nito, naghatch yung mga baby pawikans!!! Ginising pa kami para lang sabihing magrerelease sila ng pawikan sa gabing yun. Kaya G na kami!

1-38

Naging tropa nga pala namin ‘to si Jud. Haha. Isa sa Amihan boys. Ang kulit kulit na bata.

1-45
Di naman masyadong nakakaitim sa Mati eh. HAHA.
1-46
SOLIDO FAM!!
1-47
Kuha ni Jud. Picturean niya raw kami. HAHA!
1-44
Infairness naman, galing ni Jud kumuha ng Jump Shot!
1-43
Isa pa! Talon!!
1-41
At syempre, hindi nagpatalo ang lolo mo. HAHAHAHA! Galing!

1-42
1-371-361-39
Sakto lang naman eh. Di naman kami masyadong nag-enjoy. Charot. HAHAHA.

Pagkatapos nitong araw na ‘to, babalik na kami sa Dabaw ulit para naman magpunta sa Talicud Island. Wiyooo!

Pero sa totoo lang, isa ito sa mga lugar na gusto kong tirhan o kaya balikan. Napakasimple ng buhay doon. At ang babait ng mga tao! Hinding hindi ko makakalimutan ‘tong mga alaala sa lugar na ‘to. Huhu. Parang gusto ko tuloy ulit bumalik doon. HAHAHA.

Last year pa ‘tong Dabaw, pero ngayon na lang ulit nailathala. HAHAHAHAHA!

Hanggang sa muli!

PADAYON!

Beerminton!

Dahil nagblast ang ISG na meron na namang Badminton Tournament, at dahil si Aa ay champion last year, at dahil nag-enjoy ako magbadminton nung nagbadminton ang RehabFam, sasali ako sa Tournament with Ninjas! Haha! At dahil sa tournament, every week na kami magbabadminton, sana mapush yon! Pero sinimulan na namin ang practice namin nitong Sabado!

So ang usapan namin is 1pm ang meetup sa Technohub dahil 2pm-5pm ang pinareserve namin sa Court. 1230pm pa lang bes, kumpleto na kami. Ako, si Ivan, One, Lykka at Junnie. Si Aa na lang ang kulang. Punyeta besh! 330pm na dumating! HAHAHAHA! Nagkakatamaran na kami tapos binabackstab na namin si Aa dahil ang tagal tagal tagal niya, pero wala naman kami magawa kasi matanda na siya. Pagkadating niya, diretso na kami agad sa Court.

1
Picture muna bago magsimula ang pagpalo sa feelings na hindi naman nasusuklian!

Besh, nakakapagod palang maging badminton player. Haha! Pero infairness naman, magaling kami. HAHAHAHA! Dapat tatlong oras kami maglalaro, pero dahil gutom at pagodabels na nag mga beshie, 2 hours lang kami naglaro. At diretsong malingap para kumain tapos mag-iinom!!!!

4
Ito nga pala nag Team Fantastic! Walang picture ang Team Captain eh, kasi busy kami! HAHAHAH!
2
Oh di ba. GAME FACE ON!

Okay game na. Kainan naman!

5
We’re at the Z!!!!!

Tama na ang kainan, dito na tayo sa inuman!

6
Unang bucket besh! Maganda ang lighting! Magpicture!
7
Ganern lang! Hihi. HAHAHA!

Marami kaming nainom nang gabing yan! At ang sarap ng kwentuhan namin tungkol sa kung ano nga ba talagang purpose natin sa buhay. Grabe yon. Tapos bawal magcellphone. HAHAHA! Pero hindi lang kami ang nandiyan yan, dahil pinasunod ko sila mich and rehab friends para the more the merrier. HAHAHAHA. At nang dumating na sila na nakawhite lahat, nagkahamunan mag beer pong! HAHAHAH! Pota! BPI vs CSMC!!!!!!

8
Si Master Eli habang nageexplain ng rules and regulations ng Beer Pong!

So kami nila Ivan at Aa ang magkakampi, at ang una naming kalaban sa CSMC ay sila Mam Jas, Mam Kitkat Matcha Flavor at Mam Gwen.

9
Group pic muna ang TEAM BPI! LABAN!!!!
10
Teka, isa pang group pic! HAHAHAHA! Red Horse nga pala yang laman ng mga baso. Stress!

Nung una, kami ang lamang. Kaya cheers tayo!!!

11
May nakashoot!!!! WOOOOOOOOOH!

Pero sa kasamaang palad, talo kame. HAHAHAHA! Si Aa kase! crush yung kalaban namin, ayan, pamigay tuloy. HAHAHAHA. Pero sa next round, kami naman nanalo. Ganun talaga mga bida, nagpapabugbog sa una. Haha!

12
Oh, nagseselfie pa dun ang mga bibe oh. HAHAHA! Huli ka balbon!
13
Eto di ko alam kung anong nangyare dito. AHAHAHAHA!

Pero masaya ang gabing yun! Hihi. Ang saya na ang friends ni Mich at ang friends ko ang friends na rin. HAHAHAHA! Beer pong ulit! At usapang seryoso na may alak!

Hanggang sa muli!

Padayon!

#DalawSaDabaw (Pagpapatuloy…)

#DalawSaDabaw (Pagpapatuloy…)

Oh diba. Sabi ko na eh, matatagalan ang karugtong ng #DalawSaDabaw post ko eh. HAHAHA! Eto na nga! Ikwekwento ko na ang pangalawang araw namin sa Dabaw.

Pagkatapos ng mahabang lakaran sa unang araw, dumiretso na kami papuntang Tagum. Nagbus lang kami papunta doon. Pagkababa namin, naghabal kami papuntang Lakan’s Place. Mukha kaming tanga. Kasi pumasok pa kami sa looban witha habal tapos yung Lakan’s Place eh along the highway lang pala! Anak ng tokwa! Hahahaha! Pero okay lang, tulong na lang namin kila Kuya yung bayad, mabait naman sila eh. Actually sobrang tuwang tuwa kami pagkapasok sa kwarto sa Lakan. KASI ITS THE BEST ACCOMMODATION EVER! ANG MURA! ANG ANG LAKI! Feeling ko kasya mga 10 tao dun, pero tatlo lang kami. Haha. Ang linis pa! At ang bango bango. Hihi.

1
Magandang Umaga!!!!!

Diretso na agad sa Kapalong. Para puntahan ang mga kweba. Maghanda sa mga susunod na litrato. HAHAHA!

4
Mga isang oras maghahabal papunta sa kweba. Ang ganda ng daan.

Ayan na mga bes, gapangan moments na. Haha. Alam mo yung gustong gusto ko sa mga kweba, eh yung kahit madilim at feeling mo nakakulong ka sa kahon, malamig pa rin! Haha!

7
Eto yung moment na, teka teka! Picturean mo ako! Para raw may proof na kasya talaga siya. HAHAHA

Group Picture!! Infairness sa mga guide namin ha. Sila talaga ang nag-iinitiate na magpicture kami. At tinuturo pa kung anong dapat ilawan! Haha! Ang cute lang. Pati mga pose tinuturo ni Koya. Hihi.

Itong mga una, medyo madadali lang eh. Pero nung nasa kalagitnaan na kami, dyusko! Kailangan na naming tungtungan si Koya. Hahahaha!

Okay lang po Koya kahit hawakan mo pwet namin, maka-ahon lang. Hahahaha!

Ito naman yung parang pool sa loob ng kweba. Akala niyo ba mababaw yan? Hindi no! Hindi ko na abot yan! Kaya hawak kamay talaga kami patungo sa pag-angat sa laylayan! Hahahaha!

Ang dami naming group picture talaga. Hahaha. Kasi nga! Si Koya! “Oh dito kayo, maganda dito.” Hahaha.

23
“Sausage Party!”

Ayan palabas na kami ng kweba. Ang ganda!!!! Sulit din yung oras namin dito. Hihi.

Ang ART diba. Sila Koya kumuha ng picture niyan. ❤

Group picture witha guides and driver ng habals!

31
Katunayan na nakapasok kami sa kweba!
30
Meryenda break pagkatapos ng pagpasok sa kweba. Bakit ang payapa ng litrato na to?

Pagkatapos naming magkembular sa kweba. Balik ulit kami sa Lakan para ibalik ang kagamitan at maghanda na sa dadaluhan naming Workshop with KUNTAW!

Kreativ UnioN of Today’s Artists and Writers! At sakto! Ipinapagdiwang nila ang ika-siyam nilang anibersaryo! Grabe talaga ang pagmamahal ng mga taga-dabaw sa sining. Naramdaman namin yun! Ramdam na ramdam! Kasama talaga sa itinerary namin ‘tong workshop. Haha! Hindi pa namin mahanap nung una ang venue, kasi maulan nung panahon na yun at parang medyo tago siya from the highway.

Nagpapasalamat kami kay Sir Neil, kasi kahit na hirap siyang magtagalog, pinilit niya parin kasi kami lang ang taga-Maynila na umattend dun. Hindi rin nila ineexpect kaya naoverwhelmed din sila. Haha. Ang cute lang.

33
KUNTAW

Ang galing galing nila. Huhu.

Siyempre, nakikinig kaming mabuti. Haha. Kinwento ni Sir Neil ang tungkol sa KUNTAW, at nagpalabas din ng mga videos nung nirepresent nila ang Pilipinas sa Uzbekistan Music Festival. Oh diba! Sinong nakakaalam nun? Wala masiyado! Hindi kasi napagtutuunan ng pansin ang Sining dito sa atin! Sobrang solid nung performance nila dun! Dalang dala nila ang pagiging Pilipino natin.

36
Group picture kasama ang KUNTAW at iba pang dumalo!

At dun na natapos ang araw namin. Haha! Charot. Nagdinner kami s Penong’s! Para siyang Mang Inasal version ng Dabaw. Actually mas bet ko dun. Hahahaha! Pagkatapos kumain, nagimpake na kami sabay biyahe na naman papunta namang Mati!

Ayan! Tapos ko na ang ikalawang araw! Wooooooh! Dalawang araw pa. Hahahah. Abang abang na lang kung kailan ang susunod na kwento ah?

PADAYON!

#DalawSaDabaw

Aakyat dapat kami sa Mt. Apo, kaya namin binook itong Dabaw Trip na ‘to. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, ang pagkasunog ng Mt. Apo, hindi na kami pwede umakyat. At mukhang matatagalan pa nga. 3-5 years daw sabi nila. So, okay. Adjust ulit ng Itinerary.

Dapat din pala, kasama namin dito si Ju’an. Pero dahil naubos na ang leave niya, hindi na siya sumama. Hahaha. So eto na…

FB_IMG_1469074400732
Ready to go na po kami!! Gabi ang flight namin!

11pm yata kami nakarating ng Dabaw. At excited talaga ko kasi makikita ko na rin kung paano ba sa Dabaw. Kung tama ba ang mga naririnig at napapanuod ko sa TV. At oo nga! Ang disiplinado ng mga tao dun! At mababait sila! Kahit gabi na, mararamdaman mong safe ka. Hihi.

Dapat sa Green Window kami magsstay pero pagdating namin dun, puno na. So, naghanap kami ng iba. Lakad lakad hanggang natagpuan namin ang Daylight Inn. Pwede na.

Natulog na. At kailangan ng enerhiya kinabukasan dahil ang dami naming pupuntahan, turista mode! Lakad mode! Haha!

Medyo late nagbubukas ang mga tindahan sa Dabaw, haha. Hindi namin alam kung san kami magbrebreakfast, nadaanan na namin yung Cinematheque Davao, medyo malapit lang din pala. Saka okay din maglakad ng ganitong oras.

 

Kumain kami sa Taps. Pagkatapos nun, nagpunta na kaming terminal papuntang Philippine Eagle Center. Nakakatawa talaga, bawal magyers dun. As in magtatanong ka kung saan pwede, at magtatago kayo sa kuta ng mga nagyeyers. HAHAHAHA!

 

Pagbaba namin ng tricycle, souvenir agad nakita. Haha! Punta agad! Namili agad. HAHAHA.

May mga ahas na sumalubong samin sa labas ng Eagle Center, hindi ko magets kung anong nakakawow pag nagpapicture sa mga Ahas, I mean, hindi ba dapat nasa kagubatan sila at naghahanap ng matutuklaw? Bakit natin sila pinaglalaruan?

Medyo hindi naman ako nag-enjoy dito eh. Naliliitan ako sa kulugan ng mga Agila, tapos yung iba, nakatali yung paa, nakadisplay lang. Hmm, okay. Sabi na nga ba, hindi na talaga ako uulit pumunta sa mga ganitong klase ng lugar.

 

Pagkatapos naming mag Eagle Center, naglunch kami sa Seagreen Cafe. Okay lang naman ang pagkain. Masubukan lang. Pero hindi siya yung tipong babalikan at dadayuhin ko. Haha. Lakad lakad ulit. Dumaan sa People’s Park.

Nagmuseum na. Bongga ng Museum dito. Libre lang ang entrance tapos may guide na magkwekwento ng kaunting history ng Davao. Ayus din, marami din namang natutunan. Haha. At may featured painter na nageexhibit dun. Galing!

 

Dumiretso kami sa may Crocodile Park after ng Museum, pero hindi naman talaga yun ang ipinunta namin dun kundi ang Fire Dance Performance sa Tribu K’Mindanawan. Kaya lang bago pumasok sa Tribu, kailangan pa rin pumasok sa Crocodile Park at magbayad ng 300php yata na Entrance Fee, ang mahal po! Eh di dun na lang kami sa labas tumambay, dinig pa rin naman namin ang tugtugan sa Tribu! HAHAHAH!

At may nakilala na naman kaming Artist. Gumagawa ng mga dream catcher at kung ano ano pa, at mountaineer din siya. Haha! Nagkakwentuhan saglit. Sinabi nga namin na dapat aakyat kami ng Apo, blablabla. Tapos nasabi niyang nung week din daw na yon, may pumanhik sa Apo from Manila. Ayun, nakulong sila kasi nga bawal diba? Titigas ng ulo. Buti nga.

Pagkatapos naming mag museum at Crocodile Park, nagpunta naman kami sa MTS. Shet! Ang ganda dun! Para siyang CubaoEx X Maginhawa na payapa! Sakto pa kasi DuArts Festival nun, celebration ng pagkapanalo ni Duterte. Swerte namin! Meron siyang tatlong stage na iba’t-iba ng genre. Para tuloy siyang Fete. Haha! May World Stage, Reggae yata yung isa tapos Acoustic Stage yung isa. May mga nakadisplay din na paintings at kung ano-ano pa. Grabe! Buhay na buhay ang Art Scene sa Dabaw! Ang saya!

Ang sarap sarap mag-inom sa MTS. Payapang payapa kahit lahat ng table eh may mga bucket ng beer! Haha! Basta mararamdaman mong safe ka kasi parang walang magwawala dun kasi nagkalat ang kapulisan. HAHAHA!

At dun na natapos ang maraming lakad naming unang araw sa Dabaw! Haha! Ang tagal bago ko ito napost. HAHAHA! At feeling ko, matagal ulit ang susunod na kwento tungkol sa Dabaw!

Padayon!

Biglaang Pagsali sa #GalaPH Event! (Pagpapatuloy…)

Pagkatapos naming magbabad sa araw sa Dapa Island, sunod naman naming pupuntahan ang Sombrero Island kung saan ilalapag lang namin ang mga gamit namin at maglulunch. Dun din pala kami magpapalipas ng gabi at feelings. Eto siya…

Sombrebro (6)
Umaga sa Sombrero!

Wala pala kaming nakuhanan na picture nang pagdating namin sa Sombrero. Haha. Pagodabels at gutom na nung panahon na yun. 30minutes lang yata kami naglunch tapos gora na agad para sa susunod na Isla.

Anima (9)
Anima Sola Entry #1
Anima (8)
Anima Sola Entry #2

Ito po ang Isla ng Anima Sola, based sa pag-google ko, ang ibig sabihin nun ay “Lonely Soul”. Hmmmm. Okay. Medyo maraming tao sa mga pwedeng pag picture-an at ang hapdi hapdi na ng pagkatao namin nung mga oras na ‘to kaya hindi na namin naikot ang buong isla. Haha. Para siyang Kapurpurawan Rock Formation ng Ilocos. Nakahanap pa rin naman kami ng mga moment.

Anima (10)
Kunwaring stolen, pero siya nagsabing picturean siya. HAHA!
Anima (6)
Eto, Literal na candid! Ang Kapre at ang Duwende!
Anima (13)
Hindi ko na alam kung saan pa pupunta..
Anima (18)
Dun tayo magmoment! May puno!
Anima (15)
Pak!
Anima (14)
Si Madame at ang Duwende.

Ayan lang mga moments pic. Haha. Hapding hapdi na talaga kami sa mga balat namin. Hahaha. Pero siyempre, hindi pwedeng hindi kami umakyat sa batuhan! Ay, group picture muna pala kami sa batuhan…

Anima (16)
Power Rangers daw!
Anima (5)
Ganda nito!

At dahil nakita namin si Sir Ian(travel coordinator) na nakaakyat sa batuhan, hindi kami nagpahuli. HAHAHAHA! Akyat din kami!!!

Anima (11)
Ako yang nasa gitna!!!!

Medyo madali lang naman siyang akyatin. Haha. Ang ganda dun sa taas kasi tanaw lahat! At dun na kami nagemote…

Anima (20)Anima (23)Anima (24)

Si Lykka, hindi na umakyat. Haha. Hindi pa siya sanay sa ganun. Pero darating ang araw at mawawala na rin ang lahat ng takot niyaaa… Eme.

Anima (21)
Group Pic din pag may time!
Anima (19)
HAHAHA
Anima (22)
Mukha silang magjowa. Mukha lang.
Anima (4)
Ito rin, candid selfie. Haha! Nakatime lapse ang gopro, tapos inayos niyan, nagsmile pala ang duwende, pero ganda ng shot!

At siyempre, gaya ng inaasahan, saglit lang ulit kami dito sa isla, dahil may pupuntahan pa ulit na isa. At pucha, ang layo nila sa isa’t-isa. At lugi pa kami dahil sobrang bagal ng bangka namin! Yung isang oras lang dapat, nagiging almost 2 hours!!!! Pero okay lang, oras na rin yun para makapag muni-muni.

Anima (7)
Corals dati…
Anima (17)
Candid Entry # ? HAHA

Ayan, paalis na kami. Palubog na rin ang araw, at nasa dagat pa rin kami. HAHAHA. Huling islang nasa listahan ay ang Tinalisayan. May sandbar din daw dun. Pero pagod na kami, at gusto lang namin mag langoy at lumutang sa tubig. Kaya pag dating sa Tinalisayan, hindi na kami nagexplore at nagpicture picture, dahil una sa lahat, ang daming tao, tapos parang hindi maganda kung maraming taong nasa likod mo pag nagpicture ka sa sandbar. Haha. Kaya nagpalutang lutang na lang kami…

Tali (3)
Langoy pa more!
Tali (5)
Langoy pa more, entry #2!

Mga batang nag-aaral pa rin lumangoy.

Tali (1)
Wala kasi akong pang dome eh. Ginamit ko na lang mask ko. Haha! A R T yan uy!
Tali (2)
Paglubog ng Araw
Tali (4)
Paglubog ng Araw Entry #2

Ayun, pagkalubog ng araw, bumalik na ulit kami sa Sombrero Island. Tapos nag-ayos ng gamit. Tapos kumain ng dinner, shet! Ang sarap nang dinner namin! Boodle Fight! Dapat mag-iinom kami eh, kaya lang hindi na talaga kami makagalaw dahil sa sobrang hapdi ng buong pagkatao namin. HAHAHAHA!

Sombrebro (2)
May tarp naman ako, bat ako sa tent matutulog? HAHAHA!
Sombrebro (3)
Ang Bulilit
Sombrebro (4)
Si Madame!

Kumain lang ng bongga ulit na breakfast, tapos break-camp na! Bye bye na! Wait! May isa pa palang dadaanan! HAHAHA! Ang Alibijaban!!!!!

Alij (4).jpg
Papuntang Alij! At balot na balot ang mga balat namin, kasi mahapdi nga!!

Nung una naming punta sa Alibijaban, may sandbar. Haha! Kasi naabutan naming low tide. Pero nung panahon na ‘to, high tide namin naabutan. At mas gusto ko siya ng high tide. Kasi nakakatawa si Lykka! Hindi pa kasi siya masiyadong kampante lumangoy, kasi natatakot talaga siya sa malalim. Kaya nanghiram siya ng life vest sa bangka, silang dalawa ni Ivan. Hahahaha.

Alij (6)
Tenen! Ang tapang nila at nakapunta sila dito, kahit na nakakapit sila sa puno. HAHAHA!
Alij (3)
Lutang pa more!

Ito ang pinakafavorite ko dito, walang alon. Malalim. Ang sarap lang lumangoy. Lumangoy sa dagat ng pait, charot.

Alij (5)
May nagbebenta ng ice candy, ice candy cheers!!!!!

Tapos habang kumakain kami ng ice candy, biglang naalala nila Ate Pao/Kuya Ian na may isa pa palang Empi. So kinuha nila at ininom namin. Haha. Delayed ang socials ng group. Pero ang saya kasi gora lang lahat, at ang dami naming chaser. Hahaha! Ice canday, Tubig dagat at sigaw!

Alij (2)
Tagay lang!

Si ate na vanmate namin, hindi siya umiinom, kaya niloko namin yung jowa na saluhin siya. “Mahal mo?” HAHAHA! At walang nagawa si kuya. Yung tatlong round lang ng inom, naging anim sakanya. HAHAHAHAHA! Kawawang kuya. Okay lang yun, mahal niya eh. HAHA!

Tapos naglunch kami sa may community sa Alibijaban. At congrats samin! Dahil naunahan namin ang boat #1! Grabe! First time yun! Hahaha! Ang saya saya naming lahat na nasa boat #2. Hahaha. At the best ang liempo for lunch! Solid!! Tapos may nanlibre ng softdrinks kasi meron ding may birthday. Napalibre siya kasi pagdating niya, kinantahan namin siya. HAHAHA! Peer pressure pa more!

Alij (7)
Balik na tayo?

At ayun na. Dun na nagtapos.

Solid din ‘tong trip na ‘to. Sobrang hindi ko makakalimutan, lalo na tong lecheng sunburn na ‘to na hanggang ngayon hindi pa rin nawawala. Hahaha!

Hanggang sa muling pagiging Bipolar!

Padayon!

 

Biglaang Pagsali sa #GalaPH Event!

Matagal na naming pinag-iisipan ni Mich kung saan nga ba namin gaganapin ang Birthday Weekend ko. Pwedeng sa Batangas. Pwede rin sa Bataan, pero mas bet ko talaga yung dun sa Bataan kasi hindi ko pa yun napupuntahan at pwede na ring ocular para sa #RebeldeFilmCamp4! Naks! Excited eh no. After ilang araw, napagdesisyunan na lang na sa Bataan na lang. Para maiba naman. So okay, settled na. Tapos biglang nagsabi si Mich na may event ang GalaPH na coordinator pala si Ate Pao(nakasama namin sa Mt. Naguiling na hardcore!) dun. Parang 3 days before the event eh tsaka kami nagpanic at nasabing dun na lang magpunta since mura and hindi hassle, kasi pag nag DIY kami, for sure mapapamahal kami. HAHAHA.

So ayun na nga. Final na. Burias Island x Alibijaban para sa Birthday Weekend! Ayus!

Kami lang dapat nila Mich at Lykka ang gagala. Pero itong si Ivan, biglang gustong sumama. As in 5 hours before umalis, nangangalap siya ng pambayad sa event, nakahanap naman siya. Ayun, sumama siya. Spontaneous pa more!

Mabilis naman ang biyahe ng Van papuntang San Andres, Quezon. Hindi katulad nung nag-Alibijaban kami dati, tangina, 12hours biyahe from Lucena! Ordinary Bus pa! HAHAHAHA! Pagdating sa Quezon, naglunch tapos sumakay na sa bangka, 2 hours daw ang biyahe papuntang Isla. So kami, natulog kami sa bangka, walang tarp sa part namin pero hindi naman namin naramdaman yung init kasi mahangin.

DCIM101GOPROG0064704.
Heto naaa!!! Handa na sa dalawang oras na biyahe ng bangka sa ilalim ng tirik na tirik na araw!

Ayan ang before picture namin! Hindi pa kami maiitim! Dahil ito ang dahilan kung bakit ang hahapdi ng buong pagkatao namin. Sobra lang talaga yung init ng araw dito. Nagtamo kami ng 1st degree burn nang hindi pa nagsisimula sa pagiisland hopping! HAHAHAHA!

Unang isla! Unang hakbang sa paglimot!

2
Ito ang unang isla, Dapa!!!!!!

Nasa bangka pa lang kami, tanaw na namin ang malinaw at sobrang blue na tubig ng isla. Tinatawag din pala nila ‘tong Snake Island. Kasi daw may ahas!

Okay, game. Explore explore muna kunwari.

FB_IMG_1465363609576
Unang group picture! DAPA!!!!

 

4
Mga dating corals?
5
Mowdeling dahil may time!

Hindi na pala kami masiyadong nagexplore, haha. Kasi feeling namin konti lang ang oras, eh ligong ligo na kami. Kaya nagswimming na agad sa dagat!

FB_IMG_1465363653423
Ito pinakafavorite kong picture! ♥
FB_IMG_1465363750022
Pak! Ganern!

Ang linaw ng tubig no? Pero medyo malalim na yan. I mean, abot na ni Mich yung floor. HAHA! Hindi rin nawala ang pagflofloat sa napakagandang islang ‘to!

FB_IMG_1465363708921
Ang duwendeng lumulutang na namumula na ang tuhod!
FB_IMG_1465363676185
Duwendeng lumulutang, entry #2.
FB_IMG_1465363657707
Pag-ibig! ♥
FB_IMG_1465363640369
Eto na lang entry ni Lykka sa lumulutang pictures, kasi hindi pa siya masiyadong marunong. HAHA! Happy Birthday Balot Gurl ng Tandang Sora!

Dahil tinatamad akong iupload ang lumulutang kong picture kasi ang aw-aw ng anggulo dun ng pagkuha ni Mich, eto na lang.

FB_IMG_1465363757244
Nagmumuni-muni kasama ng mask ni kuya bangkero!
FB_IMG_1465363681068
Ang init po! Pero okay lang, maganda naman dito.

Nakatingkayad na ako niyan! HAHA! Ang linaw talaga ng tubig!!!!

FB_IMG_1465363648333
Selfie din pag may time at pag maganda ang background. Hihi.
FB_IMG_1465363804136
Tingnan niyo ‘to, hindi inayos ni Mich ang pagkuha. May tubig lens ng gopro!

Ganda sana nun oh. Haha! Ang kapre at ang duwende!

Isang oras lang yata kami dito. HAHA. Dahil may tatlong isla pang pupuntahan. Kapagod! At bago kami umalis… ito pa ang ibang litrato. ♥

6FB_IMG_1465363586303

FB_IMG_1465363781171
Kuya Bangkero
FB_IMG_1465363814704
Kuya Bangkero Entry # 2

Ayun na! Umalis na kami sa pagkadapa, kailangan na namin bumangon. Papunta na sa sunod na Isla!

Hanggang dito na lang muna itong kwento na ‘to. Sa susunod na post na lang ang continuation kasi wala lang.

Padayon!

#SampalanSaBataan

At dahil summer na nga, kinailangan na ng Ninja mag-outing. Sabi nila, ito na RAW ang last outing, pero hindi ako naniniwala! Haha!

Okay. Game!

Alam na namin kung saan ang destinasyon, ang aming favorite inuman witha beach place, ang Bataan! Natagpuan ni one ang lugar na ‘to nung naghahanap kami ng mapupuntahan, since hindi rin namin alam nun kung san pupunta. Haha. So nahanap niya ang Stella Mariz. At simula nun, yun na ang naging favorite tambayan/inuman/beach ng Ninja!

Marami na kaming memories at mga nakakatawang videos sa Stella Mariz. Haha! Mga solid na murahan at walwalan! Kaya dito na namin napagdesisyunang ganapin ang huling outing DAW ng ninja. Haha!

All set na sa venue, date na lang ang wala. Ineexpect ko talaga last week ng May ang sampalan eh. Pero dahil sa mga ilang kaganapan, biglang namove nitong Labor Weekend. At pak! Sampalan at Walwalan na ituuuu!

image

Excited na kaming lahat pagdating sa Bataan. Pero nang makarating na sa Stella Mariz, ayun lang, puno na raw lahat ng kubo. At ang favorite spot namin, may tao na rin. So no choice kami kundi maghanap ng ibang mapagwawalwalan. So nag Sun Moon na lang kami na aw aw naman. Pero okay na rin pangwalwalan. Haha!

Dumating kami sa SunMoon mga 11am-ish yata. Nagluto na ng panglunch habang sinisimulan ko na ang tagayan! Oh diba. Para pagdating ng alas tres, may malalasing na!

image

image

Oh diba! Haha! May mga lasing na niyan. HAHAHA. Nagmumurahan na kami. Pero tagay lang ng tagay! Hahahaha!

image

Sa mga oras na kinukunan to ng picture, bumubwelo na si one para magsuka, at boom! Nagsuka nga! Hahahahaha!

image

Ayun, una siyang namatay! HAHAHA!

After ilang oras, gabi na yata yun. Nagpasama ako kay Carol sa dagat para umihi kasi ang layo ng cr, at nahihilo na ko. Hahahaha. Pagkabalik ko, ang alam ko, namatay na ko nun. Hahaha! Pero hindi pa pala! Nagpunta daw ako sa may upuan ng lifeguard at sinisiksik ko raw sarili ko dun. Tangina. Akala ko pinagtritripan nila ko nung kinekwento sakin yun, kasi hindi ko talaga siya maalala. Tapos totoo daw pala! Haha!

So, ngayon ko lang napatunayan na totoo palang pwedeng wala kang maalala after magwalwal. Shet talaga. Ang weird sa feeling nung kinekwento nila yung mga bagay na hindi mo naman maalala, o hindi mo alam na ginawa mo. HAHAHAHAHA.  Sayang nga, hindi ko nasaksihan ang sampalan ni Tiyang at Janina! Leche!

Kinabukasan, mild inuman na lang, dahil ang dami pa naming iinumin. Hahahahaha. Kaya picture picture na, yung matinong picture!

image

image

image

Ayan, may mga matitinong pictures na kami, na kumpleto at nagiinom pa rin. Hahaha!

Pagkatapos ng masayang walwalan at sampalan, nagdinner kami sa Beanery.

image

image

Ebidensiyang tawang tawa kami sa mga videos! HAHA!

At ayun na, natapos na ang weekend. Natapos na ang sampalan. Natapos na ang walwalan. Pero hindi pa rin matatapos ang pagplaplastikan natin. Charot! Hahahaha!

Hanggang sa muling pagwawalwal at sampalan, Ninjas!