Oh diba. Sabi ko na eh, matatagalan ang karugtong ng #DalawSaDabaw post ko eh. HAHAHA! Eto na nga! Ikwekwento ko na ang pangalawang araw namin sa Dabaw.
Pagkatapos ng mahabang lakaran sa unang araw, dumiretso na kami papuntang Tagum. Nagbus lang kami papunta doon. Pagkababa namin, naghabal kami papuntang Lakan’s Place. Mukha kaming tanga. Kasi pumasok pa kami sa looban witha habal tapos yung Lakan’s Place eh along the highway lang pala! Anak ng tokwa! Hahahaha! Pero okay lang, tulong na lang namin kila Kuya yung bayad, mabait naman sila eh. Actually sobrang tuwang tuwa kami pagkapasok sa kwarto sa Lakan. KASI ITS THE BEST ACCOMMODATION EVER! ANG MURA! ANG ANG LAKI! Feeling ko kasya mga 10 tao dun, pero tatlo lang kami. Haha. Ang linis pa! At ang bango bango. Hihi.
Diretso na agad sa Kapalong. Para puntahan ang mga kweba. Maghanda sa mga susunod na litrato. HAHAHA!
Ayan na mga bes, gapangan moments na. Haha. Alam mo yung gustong gusto ko sa mga kweba, eh yung kahit madilim at feeling mo nakakulong ka sa kahon, malamig pa rin! Haha!
Group Picture!! Infairness sa mga guide namin ha. Sila talaga ang nag-iinitiate na magpicture kami. At tinuturo pa kung anong dapat ilawan! Haha! Ang cute lang. Pati mga pose tinuturo ni Koya. Hihi.
Itong mga una, medyo madadali lang eh. Pero nung nasa kalagitnaan na kami, dyusko! Kailangan na naming tungtungan si Koya. Hahahaha!
Okay lang po Koya kahit hawakan mo pwet namin, maka-ahon lang. Hahahaha!
Ito naman yung parang pool sa loob ng kweba. Akala niyo ba mababaw yan? Hindi no! Hindi ko na abot yan! Kaya hawak kamay talaga kami patungo sa pag-angat sa laylayan! Hahahaha!
Ang dami naming group picture talaga. Hahaha. Kasi nga! Si Koya! “Oh dito kayo, maganda dito.” Hahaha.
Ayan palabas na kami ng kweba. Ang ganda!!!! Sulit din yung oras namin dito. Hihi.
Ang ART diba. Sila Koya kumuha ng picture niyan. ❤
Group picture witha guides and driver ng habals!
Pagkatapos naming magkembular sa kweba. Balik ulit kami sa Lakan para ibalik ang kagamitan at maghanda na sa dadaluhan naming Workshop with KUNTAW!
Kreativ UnioN of Today’s Artists and Writers! At sakto! Ipinapagdiwang nila ang ika-siyam nilang anibersaryo! Grabe talaga ang pagmamahal ng mga taga-dabaw sa sining. Naramdaman namin yun! Ramdam na ramdam! Kasama talaga sa itinerary namin ‘tong workshop. Haha! Hindi pa namin mahanap nung una ang venue, kasi maulan nung panahon na yun at parang medyo tago siya from the highway.
Nagpapasalamat kami kay Sir Neil, kasi kahit na hirap siyang magtagalog, pinilit niya parin kasi kami lang ang taga-Maynila na umattend dun. Hindi rin nila ineexpect kaya naoverwhelmed din sila. Haha. Ang cute lang.
Ang galing galing nila. Huhu.
Siyempre, nakikinig kaming mabuti. Haha. Kinwento ni Sir Neil ang tungkol sa KUNTAW, at nagpalabas din ng mga videos nung nirepresent nila ang Pilipinas sa Uzbekistan Music Festival. Oh diba! Sinong nakakaalam nun? Wala masiyado! Hindi kasi napagtutuunan ng pansin ang Sining dito sa atin! Sobrang solid nung performance nila dun! Dalang dala nila ang pagiging Pilipino natin.
At dun na natapos ang araw namin. Haha! Charot. Nagdinner kami s Penong’s! Para siyang Mang Inasal version ng Dabaw. Actually mas bet ko dun. Hahahaha! Pagkatapos kumain, nagimpake na kami sabay biyahe na naman papunta namang Mati!
Ayan! Tapos ko na ang ikalawang araw! Wooooooh! Dalawang araw pa. Hahahah. Abang abang na lang kung kailan ang susunod na kwento ah?
PADAYON!